Monday, June 22, 2009

Karagdagang benepisyo para sa mga solo-parent, ipinanukala sa Kamara

June 21, 2009 by Terence Grana, Frontline.PH

MANILA, Philippines - Gagawaran ng labinglimang porsiyentong diskuwento sa gatas, pagkain at gamot, sampung porsiyento sa damit at limampung libong piso na libreng buwis ang abawat solo-parent kapag na-amiyendahan na ang batas na Solo Parent’s Welfare Act of 2000, ayon kay Manila Rep Ma Theresa Bonoan-David nang inihain niya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas ang HB06427.

Sinabi ni Bonoan-David na siya ay nababahala sa mabigat na pasanin g dinadakla ang mga solo parent dahil hindi sapat ang kanilang kinikita para buhayin ang kanilang mga anak, lalo pa at nahaharap ang bansa sa krisis pang-ekonomiya.

Ayon sa kanya, tiyak daw na mababawasan ang paghihirap ng mga solo parent kapag naging ganap na na batas ang kanyang panukala na bigyan sila ng karagdagang gantimpala.

Sa ilalim ng panukala ni Bonoan-David, bibigyan ng karapatang makukuha ng mga kompanya ang diskuwento bilang bahagi din ng kanilang gastusin sa negosyo.

Gayunpaman, pagmumultahin ng hanggang P200,000 at ipasasara ang negosyo ang katapat na parusa sa sinumang lumabag ditto, ayon pa rin sa kanya.

Matutulungan umano ang mga solo parent, dagdag pa ng solon na mabigyan nang magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. - Terence Grana, Frontline.PH